MGA ESTUDYANTE NG BONUAN BOQUIG NATIONAL HIGH SCHOOL, KINATAWAN NG PILIPINAS PARA SA INTERNATIONAL GELOSEA

Dalawang mag-aaral mula sa Grade 10 ng Bonuan Boquig National High School ang nagwagi ng gintong medalya sa katatapos lamang na Global English Language Olympiad of Southeast Asia (GELOSEA).

Sina Yzteven Kish V. Casilang at Mel Jabez C. Ulibas na kapwa Science, Technology and Engineering (STEM) students ay pinatunayan na pagdating sa English Proficiency ay hindi magpapahuli ang mga Pilipino.

Ayon kay Coach Michelle Falstead, puspusan ang naging paghahanda nila para sa naturang kompetisyon.

Dahil sa kanilang pagkapanalong ito, sila rin ang magiging kinatawan ng bansa sa International GELOSEA na gaganapin sa Incheon, South Korea sa April 2-5, 2025.

Maliban naman sa pagkakapanalo sa GELOSEA, talagang magagaling at aktibong mag-aaral na raw ang dalawa kaya’t sila rin ang kinatawan ng paaralan para sa Regional School Press Conference na Dagupan City.

Buo naman ang suporta ng kanilang paaralan para sa patimpalak na ito na magdadala ng karangalan hindi lamang sa mga Dagupeño kundi para sa lahat ng Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments