MGA ESTUDYANTE NG DCNHS, IBINIDA ANG KANIKANILANG MASTERPIECE SA ISANG ART EXHIBIT

Hindi nawawala ang pagiging malikhain ng mga Dagupeno pagdating sa art kung kaya’t hindi nagpatalo ang art and design students ng Dagupan City National High School sa kanilang art exhibit na may temang “Maarten Bangus Art Exhibit 2023” sa pangunguna ng kanilang art instructor na si Mr. Widmark Balmores. Kasalukuyang ginaganap ito sa isang mall sa Dagupan City. Ang nasabing aktibidad ay magtatagal pa hanggang Biyernes, June 24 ngayong taong 2023.
Ayon naman kay Harvey Dave Magdaraog, isa ring art student na kinahiligan ang photography, ibinida rin ang kanyang own style at angle sa pagkuha ng isang litrato. Bukod sa photographs, ang mga makikita rin sa art exhibit na ito ay mga paintings, abstract at hindi rin mawawala ang iba’t ibang disenyo ng bangus.
Isa sa layunin ng nasabing exhibit ay isinabay sa selebrasyon ng ng 76th year Agew na Dagupan ang pagpapakita ng kahalagahan bilang isang lokal artist na Dagupeño at kung gaano kahalaga ang arts sa kasalukuyan. Ang mensahe ng mga estudyante sa kanilang kapwa young artist ay huwag silang mahihiyang ipakita ang kanilang talento sa pagiging artist dahil unti unti rin marerecognize at maappreciate din ng mga tao ang iyong mga likha. |ifmnews

Facebook Comments