Mga estudyante ng isang eskwelahan sa Maynila, tumulong sa paglilinis sa vandalism na ginawa ng militanteng grupo

Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pagkukusa at pakikiisa ng mga mag-aaral at guro ng Araullo High School na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran.

 

Mensahe ito ni Manila Mayor Isko Moreno sa paglilinis ng mga estudyante ng grade 10 sa vandalism o mga sulat sa pader sa bahagi ng taft avenue maynila na kagagawan ng ilang militanteng grupo.

 

Umaasa ang mga estudyante at kanilang guro na si Macniel Marcellana, na hindi na mauulit ang ganitong gawain na nakakasira sa kapaligiran.


 

Paliwanag nila hindi dapat gamitin ang kalayaan sa pamamahayag para dumihan o sirain ang mga public property.

 

Kaugnay nito ay paulit-ulit na nakikiusap si mayor isko sa lahat na makiisa at tumulong sa paglilinis at pagsasaayos sa maynila na matagal ng napag-iwanang dugyot o madumi.

Facebook Comments