Mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila, hindi papayagan ni Mayor Isko Moreno na magamit sa political activities

Tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno sa mga magulang ng mga estudyante mula sa dalawang unibersidad na hawak ng lokal na pamahalaan ang kapakanan nila ang pangunahing inaalala.

Ayon kay Mayor Isko, hindi niya papayagang magamit ang mga estudyante mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila para sa political activities na maaaring magresulta sa kaguluhan.

Maging ang mga gusali ng mga nasabing pamantasan ay hindi rin magagamit sa mga aktibidad na may kinalaman sa politika.


Sinabi pa ng alkalde, binigyan niya ng direktiba ang mga pinuno ng nasabing dalawang pamantasan na mag-focus sa pagbibigay ng pinakamahusay na edukasyon para sa kanilang estudyante.

Dagdag pa ni Mayor Isko, hindi na dapat mangyari ang plano ng ilan na nais gumawa ng kaguluhan kung saan nararapat daw sa ngayon ay mag-move on at suportahan na lamang ang mga susunod na uupo sa gobyerno.

Matatandaan na nagpalabas na ng order si Mayor Isko na nagre-require ng permits para sa lahat ng gustong magkasa ng rally sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments