Mga estudyante ng pampublikong paaralan ng bansa, maaaring humiram ng mga gadget sa kanilang mga paaralan ayon sa DepEd

Inihayag ni Undersecretary Alain Pascua ng Department of Education (DepEd) na maaaring manghiram ng gadget ang isang estudyante sa kanilang paaralan kung saan ito nag-aaral.

Kailangan lang ay pasok ito sa kanilang kwalipikasyon na nakasaad sa memorandum na inilabas noong July 17, 2020 ng Office of the Undersecretary for Administartion (OUA).

Nakasaad sa nasabing memorandum na ang principal o school head ang pipili kung sino ang recipient ng nasabing programa.


Magiging basehan nila dito ang sagot ng mga estudyante sa kanilang Learners Enrollment Survey Form (LESF) kung sino ang kanilang pahihiramin, subalit priority pa rin ang mga mag-aaral na may kapansanan.

Pero bago ibigay ang gadget sa isang mag-aaral, kailangang pirmahan ng magulang o guardian ang Property Acknowledgement Receipt katunayan na inaako nito ang responsibilidad kung sakaling masira o mawala ang gadget.

Kailangan din dumalo ang isang mag-aaral na humiram ng gadget sa isang training tungkol sa tamang pangangalaga, paggamit, paglinis at storage nito, kasama rin kung papaano makaiwas sa mga magtatangkang nakawin ang hiniram na gadget.

Facebook Comments