MGA ESTUDYANTE NG UCNHS, SUMAILALIM SA POLICE EDUCATIONAL TOUR SA URDANETA CITY

Isinagawa ng Urdaneta City Police Station ang isang educational tour para sa mga mag-aaral ng Urdaneta City National High School bilang bahagi ng kampanya nitong palakasin ang police-community relations.

Sa naturang aktibidad, iprinisenta sa mga estudyante ang iba’t ibang yunit at operasyon ng istasyon upang mabigyan sila ng mas malinaw na pag-unawa sa araw-araw na tungkulin ng Philippine National Police.

Bahagi rin ng programa ang pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa tamang paggamit ng emergency hotline 911, na layong mapataas ang kahandaan ng kabataan sa oras ng emerhensiya.

Ayon sa istasyon, ang ganitong mga inisyatiba ay makatutulong sa pagpapalakas ng tiwala ng publiko at sa paghikayat sa kabataan na maging mas responsable at aktibong miyembro ng komunidad.

Facebook Comments