Inilunsad kahapon sa isang pampublikong paaralan sa Calasiao ang Bakuna Eskwela o school-based immunization program na naglalayong mabakunahan ang mga Grade 7 students laban sa measles, rubella, tetanus, at diphtheria.
Ang programa ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, Municipal Health Office, Department of Health (DOH), at Department of Education (DepEd).
Layunin ng aktibidad na maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Malaki rin ang naging papel ng paaralan at mga guro sa pagtanggap at pagsuporta sa nasabing aktibidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









