Mga estudyante sa ilang unibersidad sa Maynila, ikinatuwa ang pagsasabatas ng R.A. 11984

Ikinatuwa ng mga estudyante at mga magulang sa lungsod ng Maynila ang pagkakapirma ng “No Permit, No Exam Prohibition Act” o R.A No. 11984.

Nabatid na ganap ng naging batas ang naturang panukala na pangunahing iniakda ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Sa pahayag ng ilang grupo ng mga estudyante na pumapasok sa University Belt, malaking bagay ang nasabing batas upang makatutok sila sa kanilang pag-aaral at hindi na makakaramdam ng pressure sa tuwing magkakaroon ng exam.


Ilan rin sa mga estudyante ay gustong makatapos sa pag-aaral pero kulang sa budget kung saan magagawa na nila ito dahil sa nasabing batas.

Todo pasasalamat naman ang mga magulang kay Sen. Revilla dahil sa malaking kaluwagan sa kanilang parte ang naturang batas at magkakatoon sila pagkakataon na makaipon.

Matatandaan na sa ilalim ng R.A. 11984 na isinulong ni Revilla, ang mga disadvantaged student na hindi pa nakakabayad ng matrikula at iba pang bayaran sa eskuwelahan ay papayagang kumuha ng pagsusulit.

Sakop din nito ang basic education institutions (K-to-12), higher education institutions (HEIs) at technical-vocational institutions.

Facebook Comments