MGA ESTUDYANTE SA ISANG ISLAND BARANGAY SA DAGUPAN CITY, NABENIPISYUHAN NG LIBRENG HATID-SUNDO MULA SA LGU

Naisakatuparan na ang hiling ng mga residente sa isang Barangay Island sa Dagupan City dahil sa hirap na dinaranas ng mga mag-aaral sa tuwing sila ay papasok sa eskwelahan.
Ito ay matapos bumisita ang alkalde ng Dagupan City na si Mayor Belen Fernandez sa Barangay Carael noong nakaraang linggo upang dinggin ang hinaing ng ilang residente.
Isa sa binigyang aksyon agad ng LGU ang libreng sakay na hatid-sundo sa motor boat para sa mga residente at mga estudyanteng papunta sa mga paaralan ng Carael Elementary at National High School.

Layunin ng programang ito ay upang maibsan na ang hirap ng mga nito sa pagpasok dahil kailangan pa umano nilang maglakad nang mahaba sa “pilapil” sa ilog na umaabot ng hanggang 30 minuto bago makasakay ng tricycle.
Ayon kay Kgwd. Abel Abueme ng Task Force Bantay Ilog madulas at delikado umano ang pilapil na dinadaanan ng mga mag-aaral lalo na sa tuwing umuulan.
Kung dati ay inaabot ng hanggang 30 minuto bago makarating sa kalsada ngayon ay nasa walong minuto na lamang kung saan laking tulong at tipid na para sa mga residente at mag-aaral ang programang ito. | ifmnews
Facebook Comments