MGA ESTUDYANTE SA ISANG PAARALAN SA ASINGAN, PINAGKALOOBAN NG BAGONG MUSICAL INSTRUMENTS

Habang bata pa dapat umpisahan mo ng mag-aral ng musical instruments katulad na lamang ng mga estudyante sa Luciano Millan NHS sa bayan ng Asingan, Pangasinan na nagtitraining na at pinag aaralan na tumugtog ng iba’t ibang musical instruments.
Pinagkalooban nga sila ng mga bagong instrument katulad na lamang ng cello, gitara, violin at iba pa. Suportado rin ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan ang proyektong ito dahil nais nilang makita ang kabatan sa Asingan na mas maging mahusay pa sa larangan ng musika.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng pagtulong sa mga kabataan partikular na sa mga highschool students upang mas lalong silang malinang at maengganyo rin nila ang iba pang mga kabataan sa likhang sining kagaya ng musika. |ifmnews

Facebook Comments