Mga estudyante sa Itogon, sa tent muna nagklase matapos masunog ang paaralan

40
via ABS-CBN

Sa malalaking tent muna nagklase ang mga estudyante ng isang paaralan sa Itogon, Benguet matapos masunog ang kanilang mga silid aralan.

Sa larawang ibinahagi ng ABS-CBN, makikita ang magkakatabing tent na nagsisilbing classroom ng mga estudyante ng Midas Elementary School.


Sa loob ay mayroon namang mga electric fan at armchair na magagamit ang mga bata.

Halos kasisimula pa lang ng taon nang masunog ang nasabing paaralan at maging abo ang lahat ng mga kagamitan dito kabilang na ang mga mahahalagang dokumento.

Patuloy naman ang pagdating ng mga tulong mula sa mga alumni at iba pa, para sa paaralan.

Facebook Comments

From Advertisers