Mga estudyante sa kolehiyo na nakatanggap ng bakuna, umabot na sa mahigit 50%

44

Umabot na sa 56.41% ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Batay sa pinakahuling datos ng Commission on Higher Education (CHED), katumbas ito ng mahigit 2.3 college students na nakatanggap ng bakuna.

Pagdating naman sa mga teaching at non-teaching personnel sa mga unibersidad at kolehiyo, nasa 85.81% ang nakatanggap na ng bakuna.


Katumbas ito ng mahigit 247,000 higher education institution personnel.

Kahapon, una na ring pinayagan ng CHED ang face-to-face training ng mga student-athlete sa tertiary level pero tanging mga fully vaccinated ang papayagang lumahok.

Facebook Comments