Mga estudyante sa kolehiyo, obligado ng maging miyembro ng PhilHealth

Obligado na ang mga mag-aaral sa kolehiyo na magparehistro sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Commission on Higher Education (CHED) para sa limited face-to-face classes.

Ayon kay acting Deputy Presidential Spokesman Kris Ablan, isa ito sa mga requirement sa mga sasali sa limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa Alert Level 1.


Aniya, kailangang may PhilHealth coverage ang mga estudyante sa kolehiyo o medical insurance na sakop ang COVID-19 case.

“Kailangan tiyakin ng Higher Education Institution na ang mga estudyante na sasali sa limited face-to-face classes ay kailangan naka-rehistro sa PhilHealth o may katumbas na medical insurance, which covers medical expenses related to COVID-19, as either direct or indirect contributor.” ani Ablan

Para naman sa mga estudyanteng lampas 21 years old, kailanganh mag-enroll ang mga ito sa PhilHealth bilang indigent member.

Habang ang mga estudyanteng wala pang 21 ang edad ay maaaring maging dependent ng kanilang magulang o guardian sa PhilHealth.

Facebook Comments