Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) Region 1 na sasailalim ang mga estudyante sa kolehiyo sa mandatory Drug Test.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Danilo Bose, Supervising Education Program Specialist ng CHED Region 1, maaring isagawa sa mga susunod na araw ang mandatory drug testing sa mga unibersidad sa rehiyon batay sa inilabas na Memorandum Order No. 18 noong nakaraang taon na ito ay ipapatupad sa academic year 2019-2020.
Aniya may mga unibersidad na sa Rehiyon ang naunang nagpatupad sa nasabing kautusan.
Isa sa mga guidelines na nakapaloob dito ay dapat magkaroon ng konsultasyon sa magulang, estudyante, school personnel at stakeholders bago isagawa ang Mandatory Drug Testing.
Dapat umano naisagawa na ang konsultasyon noong buwan ng pebrero upang maiwasan ang kalituhan. Ang mga magpopositibong estudyante ay hindi agad ikukulong dahil ito ay dadaan sa isang counseling.
Samantala, sinabi ni Bose na ito ay paraan ng ahensya na ilayo sa iligal na droga ang mga estudyante at hindi parusahan sa nasabing pagkakamali.
Mga estudyante sa kolehiyo sa Region 1 sasailalim sa Mandatory Drug Test
Facebook Comments