Isang makulay at malikhaing proyekto mula sa mga estudyante ng Quetegan National High School ang nagbigay ng bagong pag-asa sa pag-aalaga ng kalikasan.
Sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) Mangatarem, tinuruan ang mga estudyante na lumikha ng mga eco bag, lace, at garland gamit ang mga basurang materyales tulad ng plastic at tela na karaniwang tinatapon sa mga tambakan.
Ang proyektong ito ay bahagi ng isang environmental awareness campaign na layuning turuan ang mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng recycling at waste management.
Ang mga estudyante ay nagsama-sama upang mangalap ng mga gamit na maaaring gawing bagong produkto.
Sa pamamagitan ng masusing paggawa, ipinakita nila kung paano ang basura ay maaaring maging isang magandang bagay at magbigay ng halaga sa mga hindi na ginagamit na bagay.
Ang mga garland na ginawa nila ay ginagamit sa mga okasyon, ang mga lace naman ay naging stylish na aksesorya, at ang mga bag ay nagbigay ng bagong buhay sa mga plastic waste.
Samantala, inaasahan na ang kanilang mga likha ay magbigay ng inspirasyon sa iba pang kabataan na magtulungan para sa isang mas malinis na kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨