Magbabalik-eskwela na ngayong araw, January 3 ang milyu-milyung estudyante ng pampublikong paaralan matapos ang tatlong linggong bakasyon nitong holiday season.
Base sa school calendar ng Department of Education (DepEd), ang mga mag-aaral ng kinder, elementary at high school sa lahat ng public schools sa buong bansa ay may pasok na.
Sa mga private schools naman, maaari nilang i-adjust ang kanilang school calendar basta masusunod ang 200 araw na kinakailangang school days at 187 na araw na contact time sa mga guro at estudyante.
Hinikayat din ng DepEd ang mga private schools na abisuhan sila kapag nagkaroon ng pagbabago sa kanilang school calendars.
Sa datos ng DepEd, aabot sa 26.7 million na estudyante ang naka-enroll sa public at private schools ngayong school year 2018-2019 kung saan 22 milyon dito ay nag-aaral sa pampublikong paaralan.