Mga estudyante sa Quezon City University, makatatanggap rin ng mga laptop mula sa QC-LGU para sa kanilang online learning

Matapos magpamahagi ng tablets sa mga mag-aaral sa public high school, isusunod naman ng Quezon City Local Government ang pagbibigay ng 8,000 quality laptops para sa mga estudyante ng Quezon City University (QCU).

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layon nila na kumbinyenteng makapag-online class ang mga estudyante habang ligtas sa loob ng kanilang tahanan laban sa banta ng COVID-19.

Naglaan ng P168 million ang unibersidad para sa pagbili ng mga laptops.


Maliban sa mga laptop units, magbibigay din ang QCU ng monthly internet allowance at pocket wifi sa kanilang mga estudyante.

Dagdag na 250 laptops din ang bibilhin para naman sa mga miyembro ng faculty ng pamantasan.

Asahang maibibigay ang mga laptop bago magtapos ang buwan ng Nobyembre.

Facebook Comments