Mga estudyanteng apektado ng gulo sa Marawi City, tatanggapin ng mga pampublikong paaralan sa ibang lugar

Manila, Philippines – Umapela si Education Secretary Leonor Briones sa mga magulang ng mga estudyante sa Marawi City na ienrol ang kanilang mga anak sa lalong madaling panahon sa mga pampublikong paaralan kung saan sila malapit o malapit sa mga evacuation centers.
Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Briones na dapat dahil nagsimula na ang Pasukan sa mga pampublikong paaralan noong nakaraang lunes ay kailangan makapagsimula naring magaral ang mga estudyanteng naapektohan ng gulo sa Marawi City.
Sinabi ni Briones na bukas ang lahat ng mga paaralan na tanggapin ang mga estudyante mula sa Marawi kahit walang mga dokumento at madali na lamang aniyang bumalik ang mga ito sa lungsod sa oras na bumalik na sa normal ang sitwasyon doon.
Inihayag din naman ni Briones na naging maayos ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan at ginagawan din naman aniya ng solusyon ang mga problemang umusbong kaugnay sa pasukan.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments