Mga estudyanteng apektado ng water shortage, papayagang ‘di muna magsuot ng school uniform

Manila, Philippines – Pansamantalang papayagan ng Department of Education (DepEd) ang mga mag-aaral na huwag munang mag-suot ng uniporme sa pagpasok sa mga eskwelahan.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, batid nila ang problema ng mga mag-aaral sa mga apektadong lugar ng kakulangan ng supply ng tubig.

Gayunman, depende aniya sa pamunuan ng mga pribadong paaralan kung susunod ang mga ito sa kanilang utos.


Giit ni Sevilla, hindi sila magpapatupad ng kanselasyon ng klase sa mga lugar na apektado ng water interruption.

Facebook Comments