Mga estudyanteng Chinese, exempted sa karagdagang requirement sa visa application sa Pilipinas

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na exempted sa bagong requirement para sa Chinese ang mga estudyanteng Tsino.

Partikular ang social insurance record certificate na bagong requirement sa mga Chinese na mag-a-apply ng visa sa Pilipinas.

Ang kailangan lamang gawin ng mga estudyanteng Tsino na naka-enroll sa primary at secondary school o kolehiyo sa Pilipinas ay magpakita ng katibayan na sila ay enrolled.


Maliban sa mga estudyante, exempted din sa requirement ang mga retiree na lagpas 55 taong gulang.

Facebook Comments