Hinimok ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga estudyante sa pribado o pambulikong eskwelahan sa kolehiyo na may passion sa paggawa ng short films na sumali sa short filmmaking competition ng PCO.
Ito ay kaugnay sa ipinagdiriwang na Communications Month Celebration ngayong Oktubre.
Kailangan lang sundin ng mga lalahok ayon sa PCO ang theme’s competition na, “Ano ang Bagong Pilipinas?”.
Walang limit ang bilang ng participants sa pagbuo ng short film pero dapat hindi lalampas sa dalaqang minuti ang haba nito
Maaring magsumite ng entries hanggang November 20 alas-5:00 ng hapon.
Ayon pa sa PCO, ang mga participants ay pwedeng gumamit ng kahit anong equipment gaya ng smartphones at professional cameras sa pagbuo ng short film.
Mas importante ayon sa PCO na mabigyang pansin ang storytelling at creativity ng participants kesa sa kung anong equipment ang ginamit.
Ang regional winners ay makakatangap ng PhP50,000 para 3rd placer; PhP75,000 para sa 2nd place; PhP100,000 para sa 1st placer.
Habang sa national winners makakatanggap ng Sony camera Crane at Kit Lens para sa 3rd placer; Macbook Air M2, Sony camera + Kit Lens para 2nd placer; Macbook Air M2, Sony Camera, lens, at Rode Wireless Pro para sa 1st placer.