Mga estudyanteng ginawaran ng scholarship, dapat mag-aral kaysa makilahok sa rally – CHED

Manila, Philippines – Ipinaalala ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga scholar ng gobyerno na mag-aral na lamang ng mabuti kaysa sa sumali sa mga kilos protesta.

Tugon ito ng CHED kasunod ng pahayag ni National Youth Commission (NYC) Chairperson Ronald Cardema na dapat kanselahin ng government scholarships ng mga mag-aaral na kumokontra sa gobyerno lalo na ang mga sumusuporta sa makakaliwang grupo.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III – kung sila ay government scholar ay dapat lamang silang maging mabuting mag-aaral upang makapagtapos sa kinukuha nilang kurso.


Umapela rin si De Vera na seryosohin sana ng mga estudyante ang pagsasabsidiya sa kanila ng pamahalaan.

Bagamat ang Pilipinas ay developing country pa lamang, tinitiyak ng CHED na ang free college education ay naibibigay sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.

Sa ilalim ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act, libre na sa tuition at miscellaneous fees ang mga estudyanteng mag-aaral sa state o local universities and colleges.

Facebook Comments