Isinulong ni Ang Probinsyano PL Rep. Alfred delos Santos ang pag-aalok ng insentibo para mahikayat ang mga estudyante na kumuha ng mga kurso para sa meteorology at earth sciences sa kolehiyo.
Ito ang nakikitang solusyon ni Delos Santos sa kakulangan ng mga tauhan ng state weather bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Sabi ni Delos Santos, kulang din tayo ng weather scientists o specialists, habang kailangan din ng mga lokal na pamahalaan ng mga eksperto upang mapabuti ang paghahanda laban sa mga bagyo, storm surges, buhawi, at iba pang uri ng sama ng panahon.
Sa kasalukuyan, kabilang sa ilang kolehiyo sa bansa na nag-aalok ng meteorology programs ay ang: Mariano Marcos State University sa Batac, Ilocos Norte; Visayas State University sa Baybay, Leyte; Central Luzon State University sa Muñoz, Nueva Ecija; at Bicol University sa Legazpi, Albay.