Mga estudyanteng nagparehistro online gamit ang QR code, uunahing bigyan ng educational assistance ng DSWD sa Sabado

Uunahin munang bigyan ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga estudyanteng magpaparehistro online.

Ito ay upang maiwasang magkagulo muli sa pamamahagi ng one-time cash grant ng DSWD gaya ng nangyari noong Sabado.

Sa interview ng RMN Manila, pinayuhan ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ang mga beneficiary applicant na kumuha ng appointment sa pamamagitan ng QR code na inilabas ng ahensya.


Kailangan lamang i-scan ang QR code gamit ang cellphone at magparehistro online para makakuha ng schedule kung kailan kukuha ng ayuda.

Simula sa darating na Sabado, sa mga lungsod o munisipyo na gagawin ang pamamahagi ng educational assistant.

Kaugnay nito, patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga lokal na pamahalaan upang maplantsa ang proseso ng distribusyon.

Facebook Comments