Mga estudyanteng nahihikayat ng mga makakaliwang grupo dapat na magsumikap – PNP

Manila, Philippines – Nanawagan si PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa mga estudyanteng nahihikayat na sumama sa mga makakaliwang grupo na “magsumikap kayo”.

Ayon sa PNP chief ang aktibismo ay bahagi ng isang demokratikong lipunan pero kung ito ay hahantong sa sedition o rebelyon ay hindi na ito tama.

Kung nais aniyang baguhin ng mga estudyante ang pamamalakad sa lipunan, maari naman nila itong gawin sa pamamagitan ng paghuhusay ng kanilang pag-aaral.


Sa gayon aniya ay may pagkakataon silang maging mga lider balang araw at maari na nilang gawin sa legal na pamamaraan ang lahat ng pagbabagong sa tingin nila ay makakabuti sa bansa.

Matatandaang naging mainit na usapin ang pagre-recruit ng NPA sa mga estudyante sa pamamagitan ng kanilang mga front organizations matapos na humarap ang 5 magulang sa Senado upang ireklamo ang pagkawala ng kanilang mga anak na sumali sa mga makakaliwang organisasyon.

Ayon sa PNP chief, doble kayod ngayon ang NPA sa pagre-recruit ng mga estudyante dahil nalalagas na ang kanilang pwersa at nais lang nilang ipamukha na buhay pa sila.

Facebook Comments