Mga estudyanteng nakatira sa Marawi City, bibigyan ng scholarship

Marawi City – Gagawaran ng scholarship ng provincial government ng Lanao Del Sur ang mga estudyanteng nakatira sa Marawi City.

Ayon kay Lanao Del Sur Provincial Social Welfare Maharlanie Alonto – bibigyan ng cash assistance ang mga benepisyaryo at magtatagal ito hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Bago aniya na mabigyan ng scholarship, kailangan munang makapasa sa pagsusulit na inihanda ng kapitolyo.


Sa datos ng provincial government, 1,600 ang kumuha ng exam sa integrated laboratory school sa Marawi City habang nasa 3,000 naman ang sa Iligan City.

Para sa mga hindi nakakuha ng pagsusulitana ay posibleng bigyan ng panibagong exam matapos magpulong ang kanilang komite.

Facebook Comments