
Kabuuang 35,872 ang bilang ng mga estudyanteng nakinabang sa libreng sakay sa MRT-3 sa ikalawang araw ng programang #12DaysofChristmas: Libreng Sakay.
Base ito sa datos ng pamunuan ng MRT kahapon, December 15, 2025.
Ngayong araw, ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya ang maaaring makalibre sa pagsakay.
Ito ay bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at mahalagang ambag sa ekonomiya ng bansa.
Ang programang 12 Days of Christmas ng DOTr ay magbibigay benepisyo sa iba’t ibang sektor hanggang December 25 alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Layunin nitong makapaghatid ng maginhawa, ligtas at masayang biyahe sa mga komyuter ngayong holiday season.
Facebook Comments









