Mga estudyanteng nasa bakasyon, hinikayat ng DOLE na mag-apply sa SPES

Manila, Philippines – Iniimbitahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga estudyanteng na nasa bakasyon na mag-apply para sa summer job opportunities sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES).

Ayon kay Bureau of Local Employment (BLE) Director Dominique Tutay – ang SPES program ay magsisimula na sa susunod na buwan.

Hinimok ni Tutay ang mga estudyante na tanggapin ang oportunidad na ito upang madagdagan ang kanilang experience.


Ang SPES ay employment bridging program para sa high school, technical o vocational at tertiary students na may edad 15 hanggang 24.

Sa mga interesado ay maaari lamang sumadya sa pinakamalapit na Public Employment Service Office (PESO) at magdala ng photocopy ng NSO birth certificate, latest report card, 2×2 ID picture at certificate of indigence.

Facebook Comments