Nadagdagan pa ang mga evacuation center at bilang ng mga lumikas sa Batangas sa gitna ng aktibidad ng Bulkang Taal.
Ayon sa Batangas provincial government, itinaas pa sa 27 ang mga evacuation center mula 23 para maiwasan ang siksikan ng mga tao.
Umakyat naman sa 1,218 pamilya o 4,465 indibidwal ang nasa evacuation centers mula sa 1,044 pamilya o 3,480 indibidwal.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal dahil sa mataas na aktibidad nito.
Facebook Comments