Nakahanda na ang mga evacuation sites na aalalay sa ating mga kababayan dahil na rin sa inaasahang pagtama ng La Niña at pagpasok ng bagyo sa Pilipinas.
Ang disaster response ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ay isa sa mga proyekto na kanilang prayoridad lalo pa sa ngayon.
Ayon sa mga Local Government Unit (LGU) magsisilbi kasing temporary shelter o matutuluyan ang mga evacuation center ng mga residente na biktima ng bagyo at iba pang kalamidad.
Bukod pa rito, nagagamit din ang naturang lugar sakali namang masunugan ang ilang residente at walang matitirhan.
Hindi na raw kasi dapat na gawing evacuation center ang mga paaralan dahil nagkakaroon ng learning disruption ang mga mag-aaral dahil kung minsan ay umaabot sa mahigit 15 days ang pag-stay ng mga evacuee kaya ‘di maiwasan na maapektuhan pati klase ng mga estudyante.
Samantala, tiniyak naman ng mga LGU na habang nasa evacuation center ang mga apektadong residente ay mabibigyan naman sila ng food relief packs, financial assistance at materyales sa pagbuo muli ng kanilang mga tirahan.