Isinulong ni Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, na malagyan ng suplay ng tubig ang mga evacuation center sa Bicol region.
Mungkahi ito ni Co sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Paliwanag ni Co, ang pagkakaroon ng sustainable water supply system sa bawat evacuation center ay magpapahusay sa paghahanda sa sakuna at pagtiyak sa kapakanan ng mga Bicolano sa panahon ng emergency.
Binanggit ni Co, na sa ngayon ay may itinayong Level 1 water supply system na malapit nang matapos sa San Andres Elementary School, na kasalukuyang nagsisilbing evacuation site para sa mga residente mula sa Brgy. San Fernando at Brgy. Fidel Surtida, Munisipyo ng Sto. Domingo, Albay.
Binanggit ni Co na Ito ay inaasahang magbibigay ng malinis at mas accessible na pagkukuhaan ng tubig ng nasa 1,789 na mga evacuees na kasalukuyang nananatili rito.