Mga evacuation centers, dapat tiyakin na may sapat at libreng face mask at alcohol

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na bigyan ng libreng face masks at alcohol ang mga lumikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Hontiveros, ito ay para matiyak na hindi kakalat ang COVID-19 sa mga evacuation centers kung saan dapat siguraduhin ang mahigpit na implementasyon ng health protocols.

Nangangamba si Hontiveros na ang malalang sitwasyon dulot ng paghagupit ng bagyo ay mas lalala pa kung magiging COVID super spreader ang mga evacuation centers.


Ikinatwiran ni Hontiveros na lahat ay halos nawala na sa karamihan ng mga nasalanta ng kalamidad kaya labis na pagdurusa kung magkakasakit pa sila.

Facebook Comments