Ligtas nang nakabalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mga residenteng lumikas sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Uwan sa Alaminos City.
Ayon sa lokal na pamahalaan, siniguro muna ang kaligtasan ng mga evacuee bago pinayagang umuwi.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamahalaang lungsod sa mga response cluster, barangay officials, at volunteers na tumulong sa pre-emptive evacuation at sa ligtas na pagbabalik ng mga residente.
Patuloy na nananawagan ang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan na manatiling alerto at sumubaybay sa mga abiso para sa kanilang kaligtasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









