Mga evacuee sa CAR, pinapayuhang manatili muna sa mga evacuation center

Mahigit sampung libong mga indibidwal ang apektado ng Bagyong Nika sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, iniulat ni Dir. Albert Mogol ang Regional Director ng Office of Civil Defense na nasa 153 barangay ang apektado ng bagyo sa kanilang rehiyon, kung saan 4, 024 ang pamilyang apektado o katumbas ng 10, 876 individuals.

Sa nasabing bilang, nasa 812 na pamilya ang nananatili ngayon sa 75 evacuation center sa kanilang lugar.


Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ng assessment ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) kung pababalikin pa sa kani-kanilang tahanan ang mga evacuee dahil meron pang susunod na bagyo.

Pero kung susundin anya ang advisory ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), mas mainam na manatili na muna sila sa mga evacuation center para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Tuloy-tuloy naman ang pagdating ng mga food and non-food item para ma-sustain ang pangangailangan ng mga evacuee.

Facebook Comments