Mga evacuees dahil sa pagputok ng Bulkang Taal, dapat isailalim sa heath audit

Nanawagan si Senator Imee Marcos sa Department of Health (DOH) na magsagawa ng health audit sa lahat ng mga mga inilikas dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Ipinaliwanag ni marcos, na kailangang matukoy agad ang mga evacuees na nangangailangan ng medikal na atensyon.

Inihalimbawa ni Marcos, ang mga evacuees na senior citizen na may karamdaman at kailangang sumailalim sa regular na medical procedure tulad ng dialysis.


Dapat din aniyang tutukan ang kalusugan ng mga buntis at mga bata.

Dagdag pa ni Marcos, paraan ang health audit para maiwasan ang pag-kalat ng sakit sa mga evacuation centers tulad ng nangyari sa Tacloban noon matapos manalasa ang supertyphoon Yolanda.

Facebook Comments