Mga evacuees mula Marawi na lumikas sa Pagadian, higit 300 na pamilya na

Pagadian – Nadagdagan pa ang mga internally displaced persons o ang mga evacuees mula sa Marawi City na dumating sa lungsod ng Pagadian.

Sa panayam ng RMN kay Pagadian City Mayor Romeo Pulmones, inihayag nitong mahigit 300 pa na evacuees ang dumating sa lungsod, hiningian ng ID at isinailalim sa documentation at profiling ang mga evacuees at pinapirma ang sumundong pamilya o host family member na tumanggap na nagpatuloy sa kanila, upang ma-monitor ang mga nasabing evacuees.

Ayon sa Alkalde, ang mga evacuees na dumating sa Pagadian ay pawang mga walang trabaho at ibang mapagkakakitaan at umaasa lamang sa tulong mula sa pamahalaan.


Sa kabila ng pagdating mga ito ay tiniyak ng mga otoridad na walang dapat ikabahala ang mga residente ng lungsod.

Facebook Comments