Mga evacuees mula sa Marawi City, dumating sa Cebu City kaninang umaga

Cebu City, Philippines – Mahigit 50 mga residente na apektado ng krisis sa Marawi City ang dumating kaninang umaga sa Cebu City sakay ng isang barko nga Trans Asia Shipping Lines galing ng Iligan City.

Kabilang sa mga evacuees ang dalawang mga Muslim na guro sa isang paaralan sa Cebu City na umuwi at nagbakasyon sa kanilang lugar sa Marawi para sana sa selebrasyon ng Ramadan nang madatnan sila doon sa ingkuwentro ng militar at ng Maute group.

Ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak, pagdating ng mga evacuees ay kaagad silang dinala sa isang holding area sa Pier Area kung saan ginawa ang profiling pati na ang address kung saan sila maninirahan upang magiging mas madali ang paghahatid ng tulong para sa kanila mula sa pamahalaan at mga NGO`s.
DZXL558


Facebook Comments