TACLOBAN CITY – Tahimik ang pasko sa probinsya ng Biliran, walang fireworks display, iilan lamang ang nagbebenta ng prutas, halos mabibilang lang ang tao sa pamilihan. Karamihan sinasabi, wala munang rason para magcelebrate ng kapaskuhan.
Mapait ang kalagayan nila ngayon lalo nat daan daang residente pa rin ang nasa evacuation centers at doon na nga magpapalipas ng pasko dahil yung iba wala namang mauwian dahil sa wasak ang bahay dulot ng landslide.
Ngayong pasko, walang aasahan na regalo ang mga residente kundi ang natanggap nilang relief goods galing sa gobyerno at NGO’s.
Pero kagabi may inihandang konting salo-salo ang Local Government Unit ng Naval sa mga nakatira sa evacuation centers, ayon kay Naval Mayor Gerard Espina, doon na sila nag noche buena kasama ang mga evacuees para hindi nila maramdaman na nag-iisa sila ngayong kapaskuhan.
Sa Tacloban City naman, masaya ang pasko, marami ang tao sa mga malls, at parke dahil sa mga fireworks display, sabay sabay na nagsimba, nagpapasalamat dahil sa pagiging reselient ng mga taga Tacloban.