Mga evacuees sa Gensan galing ng Marawi City-aabot na ng 505

51

General Santos City—aabot na nang 505 ang mga evacuess na dumating sa Gensan galing ng Marawi City simula nang nangyari ang bakbakan sa gitna ng teroristang Maute group at ng mga sundalo ng gobyerno doon.

Sinabi ni Vicky Magante, Department Head ng City Social Welfare and Development Office na may nadagdag na mahigit 100 individuals sa bilang ng mga evacuees na dumating sa Gensan kahapon.

Sila ay nasa pangangalaga ngayon ng kanilang mga kaanak sa ibat-ibang Barangay dito sa Gensan.

Isinailalim naman sila sa Profiling bago sila pinayagan na kunin ng kanilang mga kaanak.

Samantala para naman sa mga walang kaanak sa Gensan, silay kasalukuyang nasa evacuation Center at tinutulongan na ngayon ng LGU dito sa Lunsod.

Facebook Comments