Mga evacuees sa Marawi City, nagkakasakit na, international organization tumutulong na sa Dept. of Social Welfare and Development para sa maayos na sitwasyon ng mga evacuation center

Manila, Philippines – Dahilan sa sobrang siksikan — nagkakasakit na ang mga evacuees na nagsilikas sa Marawi City.

Ang nasabing mga evacuees’ ay kasalukuyang nanunuluyan sa mahigit tatlumpung evacuation centers sa Iligan City at Lanao Del Norte.

Ayon kay region 10 DSWD Field Office Regional Information Officer Charmaine Tadlas – kabilang sa mga sakit na nararanasan ng mga evacuees ay diarrhea, ubo, trangkaso, sipon, sakit sa balat, hypertension at iba pa.


Nabatid na una nang itinaas ng Dept. of Health sa code red alert level sa lahat ng mga pagamutan sa Marawi at kabuuan ng Lanao Del Sur.

Kaugnay nito – sinabi ni Tadlas na nagsimula ng magpaabot ng tulong sa kanila ang ilang international organization para maayos ang sitwasyon ng mga evacuation center.

Samantala – nagpapatuloy naman ang ginagawa nilang stress de-briefing sa mga matatanda, mga kabataan at buntis para matulungan ang mga ito na makalimutan ang nangyaring trauma.

Sa tala ng ARMM-humanitarian emergency and action response team mahigit 235,000 indibidwal ang kasalukuyang nasa evacuation center.

* DZXL558*

Facebook Comments