MANILA – Nangako ang Malakanyang na babawasan ang mga exemptions sa executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa Freedom of Information (FOI).Ayon kay Presidential Communication Office ASEC.Kristian Ablan, mula sa 166 ay gagawin nalang itong sampu.Ang mga nabawas na exemptions ay makikita sa bagong FOI manual na ilalabas ng kanilang tanggapan sa susunod na buwan.Target naman ng kamara na mapagtibay ang FOI bill bago matapos ang taon.Binigyan diin ni Act Partylist Rep. Antonio Tinio, Chairman ng House Public Information Committee, na tiyak na makakalusot sa 17th Congress ang panukala dahil mismong ang Pangulo ang sumusuporta rito.
Facebook Comments