Nagpulong sina Trade and Industry Secretary Fred Pascual at mga executives mula sa ITOCHU Corporation sa Tokyo Japan.
Ito ay sidelines sa ginagawang ASEAN-Japan Business Week 2023 sa Tokyo, Japan.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, ang pagpupulong ay ginawa bilang follow up matapos ang Presidential visit nitong February.
Pumasok kasi ang kompanya sa isang letter of intent kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) na ang layunin ay taasan ang produksyon ng pinya.
Ang ITOCHU ay isa sa malaking Japanese trading companies na involved sa textile, food, energy,
chemicals at iba pa.
Sila ay nagtayo ng branch sa Maynila noong pang 1956.
Sa kasalukuyan ang kompanyang ito ay may apat na subsidiary companies sa bansa.
Ito ay ang Makati Sky Plaza Inc.; ISLA Petroleum & Gas Corp; DOLE Philippines; at ACOM Consumer Finance Corp.
Sila ay mayroong 30,000 workers ngayon sa kanilang kompanya.