Mga expired at unlicensed firearms, dapat isuko sa pulisya

Manila, Philippines – Nanawagan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga gun owners na boluntaryong isuko ang kanilang mga baril na hindi lisensyado at yung mga expired na ang lisensya.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, ito ay para lamang sa pansamantalang safekeeping.

Aniya, tutulungan pa ng pulisya ang mga gun owners sa renewal ng lisensya sakaling matapos na ang gun ban.


Giit ni Eleazar, hindi kakasuhan o aarestuhin ang may-ari na magsusuko ng hindi lisensyadong baril.

Facebook Comments