Mga expressway palabas ng Metro Manila, maluwag pa – TRB

Nananatiling maluwag ang daloy ng mga sasakyan sa mga expressway palabas ng Metro Manila.

Taliwas ito sa inaasahang pagdagsa ng mga motoristang pauwi ng mga probinsya para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Julius Corpuz, Tagapagsalita ng Toll Regulatory Board, marahil ay naiplanong mabuti ng mga tao ang pagbiyahe nila ngayong holiday season kung kaya’t hindi nakaranas ng matinding traffic sa mga expressway maski noong Pasko.


“Sa ngayon po, wala pa kaming naiulat na pagbigat ng traffic palabas ng Metro Manila. Kung meron man po, karaniwan po yan sa mga cash lane lamang,” saad ni Corpuz.

Ang napansin namin talagang medyo nagbigat ang traffic ay nung December 15 at mukha pong marami na nagsi-uwi, lumabas ng Metro Manila. Nagpapasalamat kami siguro naiplanong mabuti ng ating mga motoristang gumagamit ng expressway ang paglabas nila ng Metro Manila,” dagdag niya.

Sa kabila nito, tiniyak ni Corpuz na naka-heightened alert pa rin ang mga toll operator at patuloy na nakaantabay sakaling bumigat ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments