Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamamahagi ng stay at home family food packs sa mga residente sa lungsod.
Bahay-bahay ang paraan ng pamamahagi ng mga pagkain tulad ng canned goods, bigas, kape, energy drinks at instant noodles na aabot sa apat na araw.
Tiniyak ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na makakarating sa bawat pamilya ang anumang assistance at pangangailangan ng mga residente sa tulong na rin ng national government.
Hinimok din ng alkalde ang mga hindi pa nabakunahan na magpabakuna na kontra COVID-19 at samantalahin ang free vaccination sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula bukas hanggang August 20 para matiyak na protektado ang mga ito sa virus.
Facebook Comments