MGA FARMERS SA PANGASINAN, SUMAILALIM SA ISANG TRAINING/ WORKSHOP UKOL SA PAGSUSUMITE NG REPORTS ONLINE

Isang workshop ang isinagawa para sa mga officers ng Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs sa probinsya kung saan matutunan ng mga ito kung paano magsumite ng kanilang SEC reportorial requirements.
Naglalayon ang pagsasagawa ng workshop na ma-orient ang mga magsasaka sa probinsya ng Pangasinan sa kung paano magsumite ng kanilang reports online para mapadali at mapabilis ang transaksyon.
Higit sa isang daan at dalawangpo ang mga lumahok na magsasaka na mula sa anim na distrito ng Pangasinan.

Sinanay ang mga ito ng SEC sa online na pag-file ng taunang financial statement, general information sheet, SEC Memorandum Circular (MC) 28 form at mandatory disclosure form.
Ang pagsasagawa ng seminar-workshop na ito ay sa pangunguna ng Securities and Exchange Commission-Tarlac Extension Office (SEC-TEO), katuwang ang Department of Agrarian Reform (DAR)-Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments