Mga fiberglass boats na ibinigay sa crew ng F/B Gem-Ver, maayos na nakapaglayag

Inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na naglayag nang maayos sa karagatan ng Mindoro ang labindalawang fiberglass fishing boats na ipinamahagi ng gobyerno sa mga  crew F/B Gem-Ver 1.

Tugon ito ng kalihim sa  sinasabi ng mga kritiko na ang mga ibinigay na fiberglass boats ay ginagamit lamang sa mga ilog.

Madali umano itong lumubog dahil gawa sa mahinang klaseng materyales.


Base sa videos na ipinadala ni BFAR Mimaropa Director Elizer Salilig, ipinakita rito na nakapaglayag ng walang aberya ang mga fiberglass boats sa karagatan ng San Jose, Mindoro Occidental.

Ani Piñol, abot na sa 15,000 units ang naipamahagi na mga fiberglass boats sa mga mangingisda simula taong 2016 sa ilalim ng Pagbabago Program ng Duterte administration.

Facebook Comments