Mga Filipino at Chinese businessman, hinikayat ng isang senador na magtulungan sa trade at investment at isantabi ang mga isyu ng dalawang bansa

Hinimok ni Senator Chiz Escudero ang Pilipinas at China na isantabi ang kanilang political differences at sa halip ay magtulungan para mapaghusay ang ugnayang pang-ekonomiya.

Ito ang naging panawagan ni Escudero sa mga Filipino at Chinese businessmen sa kanyang keynote speech sa Philippine Investors’ Roadshow na ginanap sa Beijing kamakailan.

Dito ay binigyang-diin ng senador ang pangangailangan sa mga business leaders ng dalawang bansa na isantabi muna ang mga isyung politikal at sa halip ay magfocus sa trade at investment relations na aniya’y isang napakahalagang aspeto sa Philippine-Sino bilateral ties.


Ayon kay Escudero, sa kabila ng territorial differences ng dalawang bansa, importante aniya na makilala na ang economic cooperation ay may mahalagang papel para pagugnayin ang mga namumuong agwat sa pagitan ng Pilipinas at China at sa pagkakaroon ng matiwasay na kinabukasan.

Naniniwala si Escudero na ang mga ganitong dayalogo at kooperasyon ay essential o mahalaga para magkaroon ng common ground o pagkakaisa para sa kapakinabangan ng bawat isa.

Kung pipiliin aniya ng Pilipinas at China ang economic collaboration ay maipapakita dito ang commitment na resolbahin sa mapayapang paraan ang mga pagkakaiba at sigalot sa pamamagitan ng diplomasya.

Facebook Comments