Nakiisa ang halos lahat ng Filipino sa isinagawang 3rd Quarter 2019 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRRMC Spokesperson Mark Timbal, lahat ng rehiyon sa buong bansa ay mayroong pilot venues sa isinagawang nationwide earthquakre drill.
Sa pagkakataong ito aniya ay mas sineryoso ng mga Filipino ang ginawang quake drill dahil sa naganap na mga malalakas na paglindol nitong mga nakalipas na Linggo.
Panawagan ni Timbal sa lahat ng pamilyang Filipino na palaging maging handa sa lindol, dahil nagsisimula aniya ang paghahanda sa sarili at sariling pamilya.
Samantala, bago matapos ang taong 2019 ay muling magsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ang NDRRMC.
Facebook Comments