Mga Filipinong nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa, umabot na sa 91

Umabot na sa 91 ang bilang ng mga Filipino sa buong mundo na nagpositibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, apat rito ay sa Hong Kong, tatlo sa Singapore, dalawa sa United Arab Emirates, dalawa sa Lebanon at 80 sa Japan kung saan 19 na lang ang nasa ospital, 40 ang gumaling na at 21 ang nakabalik na sa Pilipinas.

Kasabay nito, kinumpirma ng Dubai government na isang American national na bumiyahe galing Italy at Pilipinas ang nagpositibo sa sakit.


Facebook Comments